CAIRO (AP) — Sumiklab ang kaguluhan noong Linggo ng gabi sa isang malaking soccer game sa Egypt, sa stampede at labanan ng mga pulis at fans na ikinamatay ng 25 katao, sinabi ng mga awtoridad.

Nagsimula ang riot, bago ang laro ng Egyptian Premier League clubs na Zamalek at ENPPI sa Air Defense Stadium sa silangan ng Cairo.

Naglabas ng pahayag ang Egypt public prosecutor na nag-uutos ng imbestigasyon. Matapos ang isang emergency meeting para talakayin ang nangyari, inanunsiyo ng Cabinet na ipinagpapaliban nito ang mga susunod na soccer match.

Hindi pa malinaw ang pinagmulan ng kaguluhan. Sinabi ng security officials na nagpumilit ang mga tagahanga ng Zamalek na makapasok kahit walang mga tiket, na nagbunsod ng iringan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa official Facebook page ng mga tagahanga ng Zamalek, kilala bilang “White Knights,” sinabi nila na nagsimula ang karahasan dahil nagbukas lamang ang mga awtoridad ng isang makipot at naka-barbed wire na pintuan para sila ay makapasok. Ayon sa kanila, nagbunsod ito ng tulakan at hilahan at kalaunan ay nagbaril ang mga pulis ng tear gas.