A Taiwanese man allegedly killed his wife and children before committing suicide in their home in San Juan City Saturday Feb 7, 2015. (Michael Varcas)

Limang miyembro ng isang pamilya ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa San Juan City kahapon.

Kinilala ang mga nasawi bilang ang mag-asawang Luis at Roxanne Hsieh, 53, at mga anak nilang sina Amanda Hsieh, 18; Jeffrey Hsieh, 13; at John Hsieh, 12 anyos.

Sa text message mula sa Eastern Police District (EPD) Public Information Office (PIO), sinasabing nadiskubre ang mga bangkay dakong 9:30 ng umaga sa bahay ng pamilya sa 13GV 2 Midland Manor Condominium Corporation sa panulukan ng Ortigas Avenue sa Greenhills, San Juan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay San Juan Police Chief Senior Supt. Ariel Arcinas, pinuntahan ng kasambahay ang master’s bedroom at natagpuan ang mga bangkay na pawang nababalot ng plastic ang mga mukha matapos nitong mabasa ang isang liham sa lababo. Sa liham, inuutusan ng nagsulat ang kasambahay na ibigay ang sulat sa kapitbahay nilang si Dra. Grace Tan-Chua. Nakasulat pa sa liham: “Bukas naman ang pinto ng master’s bedroom, paki-cremate na lang ang mga katawan namin.”

Ayon sa media reports, pinatay ng padre de pamilya ang kanyang mag-anak bago siya nagpatiwakal.