SAN RAFAEL, Bulacan – Iniligtas ng pulisya ang isang 40-anyos na babae na hinostage ng kanyang nobyo noong Huwebes ng gabi sa bayang ito, ayon sa pulisya.

Nangyari ang insidente sa BMA Barangay Balagtas sa San Rafael dakong 8:30 ng gabi nitong Pebrero 5.

Nasa pag-iingat na ng pulisya ang naarestong si Ronald Allan Villegas Domingo, 37, binata, matapos ang dalawang oras na pangho-hostage nito sa kasintahang si Elaine Lachica Valerio, kapwa residente sa lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nauwi sa hostage drama ang pag-aaway ng magkasintahan dahil nais ng biktima na makipaghiwalay na sa suspek.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nasugatan naman si PO2 Erikson Trinidad sa kutsilyong hawak ni Domingo nang magpambuno sila.