Pangungunahan ni multi-awarded world champion Chris “Macca” McCormack ang mabilis at competitive Pro field kung saan ay sasabak siya sa YellowCab Challenge Philippines sa Pebrero 21.
Makikita rin sa aksiyon si Challenge Atlantic City winner Fredrik Croneborg (SWE) at inaugural Challenge Philippines second place finisher na si Michael Murphy (AUS) na sinasabing magpapainit nang husto sa kompetisyon.
Taglay ang matindi at hilly bike course, asahan na ang bakbakan sa bulubundukin ng mga malalakas na siklista na kahalintulad ni dating cycling Pro Domenico Passuello (ITA). Lalaro siya bilang dark horse kung saan ay sariwa pa ito mula sa napakagandang season nang pagwagian ang 2014 Challenge Rimini at Challenge Sardinia. Kukumpleto sa star-studded line-up ay sina Brian Fleischmann (USA), 2013 Challenge Laguna Phuket winner Rasmus Petraeus (DEN); Eric Watson (AUS); at Austrian upstart Christoph Schlagbauer (AUT), hahataw sa karera sa unang pagkakataon sa Pilipinas.
Mamumuno naman sa world class women’s Pro field at kakarera sa kanyang unang Challenge event si Kelly Williamson, nagkaroon ng impresibong 2014 season na kinapalooban ng kanyang panalo sa Ironman Texas. Nakalista sa kanya si 2014 Challenge Batemans Bay at IM 70.3 St. Croix winner na si Radka Vodickova (CZE), uber cyclist at Olympic medalist Emma Pooley (GBR), pumuwesto sa ikatlo sa nakaraang taong event.
Magpapakita rin ng kanyang angking lakas si Parys Edwards (GBR), nagtagumpay sa 2013 ITU World Championships sa London, sa kompetisyon. Inaasahan na ang magandang laban na ipamamalas ng hometown favorites na si Monica Torres (PHI), Carole Fuchs (THA), Katja Rabe (DEU), European campaigner Louise Rundqvist (SWE) at Stef Puszka (AUS).
“Many of the world’s best have claimed that Challenge Philippines Subic-Bataan is the toughest half distance race in Asia! No doubt this old school course will put you to the test, but it is still achievable and breathtakingly beautiful,” saad ni Dave Voth, Leverage Sports Asia CEO/Chairman ng Challenge Philippines Subic-Bataan. “Bataan provides a setting that the world would want to see. It’s a race that will celebrate hard work and it does provide bragging rights for a lifetime!”
May pinaka-prestihiyoso at pinakamabilis na Pro field na itinayo sa Southeast Asia, ang 2015 Challenge Philippines Subic-Bataan ay ang karerang pinakaaabangan na ng lahat. Hinimok ang lahat ng spectators na makibahagi sa lahat ng festivities at magkakaroon din ng espesyal at bagong cheering stations sa kapaligiran ng course.
Maliban sa main event at iba pang activities, nakaantabay din ang epic post-race awards party sa Lighthouse Resort sa Subic na bukas para sa lahat, na dadaluhan ng Pinoy celebrities at top athletes. Ang world class season opener para sa mahabang distance racing sa bansa at iba pang festivities ay gaganapin sa Camayan Beach Resort, Subic Bay at sa napakagandang probinsiya ng Bataan.