Pormal nang kinuwestiyon sa Korte Suprema ang kontrobersiyal na Commission on Elections (Comelec) Resolution 9922 na nagkaloob ng binansagang “midnight deal” sa Smartmatic-TIM sa paggamit ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine para sa 2016 elections.

Ang petisyon ay inihain ng mga bumubuo ng Automated Election System (AES) Watch na kinabibilangan nina Bishop Broderick Pabillo, ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) public affairs; dating Comelec Commissioner Augusto Lagman; Center for People Empowerment in Governance Executive Director Evita Jimenez, executive director at pitong iba pang indibiduwal.

Sa petisyon, hiniling ng grupo na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na pipigil sa pagpapatupad ng Comelec Resolution No. 9922 na naggagawad ng diagnostic service sa mga PCOS machine sa Smartmatic-TIM sa halagang P300 milyon.

Nanindigan ang mga petitioner na may grave abuse of discretion sa panig ng Comelec at sinadya nitong paikutan ang Government Procurement Law para maipilit ang midnight deal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para sa AES Watch, ilegal ang kontrobersiyal na Comelec Resolution dahil mangangahulugan ito ng pagpasok sa negotiated contract.

Mas pabor ang mga petitioner na idaan sa competitive bidding ang pagsasaayos sa mga lumang PCOS machine dahil sa paniwalang mas transparent ang prosesong ito at mas pabor sa gobyerno.

Wala rin umano sa posisyon ang Smartmatic para mag-alok ng extended warranty sa PCOS machine dahil hindi naman ito ang nagmanufacture ng mga makina.