Tatlo katao ang nasugatan makaraang sumabog ang isang granada sa pamilihang bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kahapon.

Ayon sa Isulan Municipal Police Station, ang pagsabog ay naganap ng dakong 11:15 ng umaga.

Kinilala ni Supt. Rex dela Rosa, director ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, ang mga biktima na sina Rahid Pangilamen, 36, ng Paglat, Maguindanao; Mylene Vargas ng Poblacion; at isang 16-anyos mula Barangay Kalawag-Dos, Isulan.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon pa rin si Pangilamen bunsod ng tinamong tama ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa mga saksi, isang hindi kilalang suspek naghagis ng granada sa isang tindahan sa pamilihang bayan at agad itong sumabog.

Sinabi sa report na bago naganap ang pagsabog, tumanggap ng banta ang isang residente sa lugar mula sa hindi kilalang suspek.

Inilagay na sa heightened alert ang lalawigan ng Sultan Kudarat dahil sa banta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) bunsod ng insidente.