KALIBO, Aklan - Tatlong kabataan ang nailigtas sa pagkalunod, habang dalawa pang menor de edad ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad sa magkahiwalay na insidente sa Aklan.

Ayon kay Terence Toriano, ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, patuloy na nagsasagawa ng search at retrieval operation para mahanap ang isang 17-anyos na biktima.

Pinaghahanap din ang isang 15-anyos na lalaki sa baybayin ng Tangalan sa Aklan.

Kasama ng 17-anyos na nawawala ang tatlong lalaki, pawang 19 anyos, na naliligo sa isang beach sa Kalibo nang tangayin ang mga ito ng malakas na alon.
National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa