Napilitan ang Philippine Sports Commission (PSC) na paagahin ang pagsisimula ng Laro’t-Saya sa Parke, PLAY N’ LEARN bunga ng maraming tagapagtangkilik na humihiling na isagawa uli ang mga itinuturong iba’t ibang sports sa mga napiling lugar.

Sinabi ni PSC Planning and Research chief Dr. Lauro Domingo Jr. na dinumog ng text messages ang ahensiya mula sa mga lumalahok sa kada Sabado at Linggo mga aktibidad upang agad na masimulan ang programa kung saan itinuturo ang zumba, arnis, badminton, chess, football, volleyball, karatedo at taekwondo.

“Marami na ang humihiling na isagawa uli kaya napilitan kami na agahan kahit hindi pa natin naaasikaso ang lahat at wala pang suporta para sa operational natin,” sinabi ni Domingo.

Dapat sana’y sa Pebrero 6 pa sisimulan ang aktibidad sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite ngunit agad na isinagawa ito noong Enero 30 dahil na rin sa mga nakiusap, gayundin sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City at Burnham Green sa Luneta Park.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Umabot sa kabuuang 210 katao ang nagpartisipa sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite kung saan ay 148 sa zumba, 9 sa badminton, 40 sa volleyball at 13 sa taekwondo. Mayroon namang 247 sa Quezon Memorial Circle kung saan ay 203 ang sumali sa zumba, 13 sa badminton, 12 sa volleyball at 20 sa football.

Umarangkada naman ang 3 sa arnis, 30 sa zumba, 7 sa badminton at 1 sa volleyball sa Paranaque Laro’t-Saya noong Sabado.

Nagtulong sa PSC Laro’t-Saya sina Fred Joves, Lina Colendrino, Warren Gabriel, Oscar Papelera, Let Tuazon, Eddie Montalban, Daniel Galarpez, Aljon Basilan at Jorge Sambre.