Makukulay na display ng Bambanti (scarecrow) ng bawat bayan para sa Bambanti Festival sa Ilagan, Isabela.

Sinulat ang mga larawang kuha ni LIEZLE BASA-IÑIGO

ILAGAN, Isabela -- Bambanti Festival ang itinuturing na mother of all festivals sa Isabela.

Ginanap ang selebrasyon ng Bambanti Festival ngayon taong 2015 simula Enero 26 hanggang 30 na pangunahing tampok ang Bambanti display at street dancing na nilahukan ng 36 bayan kabilang ang ilang siyudad.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ang “bambanti” ay salitang Ilocano na ang kahulugan ay scarecrow. 

Ang bambanti o scarecrow ay ginagawang bantay at panakot sa mga peste, ibon o hayop sa mga taniman o palayan para sa masaganang ani at sa selebrasyon naman ng nabanggit na festival sa Isabela ay nagsisilbi itong atraksiyon dahil ginawa itong makukulay. Naglagay din ng bambanti ang SM Cauayan at ang PPO Isabela.

Kabilang din ang pagandahan ng mga booth na naglalaman kani-kanilang produkto at nagpapahiwatig ng kultura ng mga Isabelino.

Masasaksihan din ang maituturing nilang one town one product o produkto na kanilang ipinagmamalaki na dinagsa ng mga lokal na turista sa trade fairs at exhibit.

Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Ang Ginintuang Isabela (The Golden Isabela)”.

Ginintuan dahil dito na umangat at lalong napalago ang kabuhayan ng mga Isabelino sa pamamagitan ng agrikultura at itinuturing na ring rice granary ng bansa.

Bahagi ng isang linggong selebrasyon ng Bambanti Festival sa Capitol Grounds ang street dancing, beauty contest, at ilan pang highlights sa selebrasyon.

Inabangan ng marami ang street dancing na ibayong saya ang hatid sa mga manonood. Ipinakikita ang magagandang katangian ng mga Isabelino sa presentasyon ng street dancing, lalo na ang pagiging matiyaga, matiisin at higit sa lahat ay ang kasipagan.

“Ibinuhos nila ang kanilang effort  sa pagsasayaw, ang unity ng bawat dancer  ay nagsismbolo rin ng pagkakaisa at katatagan sa kanilang kabuhayan sa agrikultura,” pahayag ng ilang manonood na dumayo pa sa Isabela.

Ayon kina Gov. Faustino “Bojie” Dy at Vice Gov Tonypet Albano, ang taunang selebrasyon ng Bambanti Festival ay nagsisilbi ring pasasalamat sa mga manggagawa sa kanilang progresibong agrikultura, sa pagkakaroon ng masaganang ani kaya ngayon ay tinagurian sila bilang Agricultural Capital of the Philippines.

[gallery type="rectangular" link="file" size="medium" ids="102422,102421,102420"]