NASUGBU, Batangas - Kapwa patay nang matagpuan ng mga awtoridad ang piloto at assistant nito makaraang bumagsak at lumubog sa karagatang sakop ng Nasugbu, Batangas ang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na sinasakyan ng mga ito kahapon ng umaga.

Ayon sa report mula kay Chief Insp. Pablo Aguda Jr., hepe ng Nasugbu Police, dakong 9:45 ng umaga kahapon habang nagsasagawa ng air exhibition ang mga biktima para sa selebrasyon ng Liberation Day ng Nasugbu ay bumagsak ang eroplano sa dagat sa Barangay Bucana.

Nag-dive umano sa tubig ang training plane (SF 260) ng PAF, mula sa Fernando Air Base (FAB), na sinasakyan ng pilotong si Captain John Bayao at assistant niyang si 1st Lt. Nazer Jana.

Ayon kay Aguda, ilang minuto pa lang tumataas ang eroplano nang biglang bumaba ang takbo nito hanggang sa sumabit sa dagat ang pakpak nito at tuluyang lumubog.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Kaagad namang natagpuan ang mga bangkay.