TUTULARAN NG IBA ● Tutuon sa inclusive growth ang kumperensiya ng Pacific Economic Cooperation Council (PECC) sa Singapore ngayong Pebrero para labanan ang climate change at nais nilang matutuhan ang Disaster Risk Reduction (DRR) strategy ng Albay. Layunin ng kumperensiya ang tukuyin ang mabisang mga hakbang tungo sa malawak na paglago ng ekonomiya bilang new normal sa kabila ng malimit na pananalasa ng mga bagyong dulot ng climate change.

Nagkataong kasabay ito ng 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Pilipinas na ang ilang mga pulong ay gaganapin sa Albay. Ang Singapore forum sa Pebrero 26-27 ay magkakatuwang na isasagawa ng PECC, Singapore National Committee for Pacific Economic Cooperation Council (SINPEC) at ng Philippine Pacific Economic Cooperation Committee (PPECC).

* * *

KINUMBIDA ANG BIDA ● Kinumbida ng PECC si Albay Gov. Joey Salceda para talakayin ang paksang “Inclusive Growth: Building Capacity at Individual and Community Levels.” Tinutukoy nito ang mga programa sa DRR at Climate Change Adaptation (CCA) na matagumpay na pinasimulan at pinamatnugutan ni Salceda sa Albay na naging daan para ideklara siya ng UN bilang Senior Global Champion sa DRR-CCA, at ang Albay bilang Global Model nito. Sa kanilang paanyaya, sinabi ng PECC na nais nilang ibahagi sa kanila ni Salceda ang kanyang mga pananaw at karanasan kung paano mabisang makapaghahanda ang mga pamayanan laban sa mga kalamidad na malimit manalasa sa rehiyon. Isang taon ding naging chairman si Salceda ng UN Green Climate Fund (GCF) board kung saan siya ang kinatawan ng Southeast Asia at mahihirap na bansa hanggang Oktubre 2014. Kinilalang tagumpay ang kanyang pamumuno sa GCF ng UN climate conference sa Lima, Peru kamakailan dahil naihanda at naikasa niya lahat ng kailangan para mapasimulan ang programa nito, kasama ang pag-ilak ng US$10.3 bilyon mula sa mga ipinangako ng mayayamang bansa. Sa liham kay Salceda na nilagdaan nina PECC co-chairmen Jusuf Wanandi at Don Campbell, SINCPEC chairman Tan Khee Giap, at PPECC chairman Antonio I. Basilio, sinabi nilang ang hamon ay “kung paano magagawa at matitiyak ng mga regional economy na ang paglago nila ay hindi lamang mapananatili kundi magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa lahat.” Pinuna din nilang ang chairmanship ng Pilipinas sa APEC ay nakataon sa malawakang pagbabago ng world economy habang nananatiling mabuway ang pagbangon nito mula sa Global Financial Crisis na nakabatay pa sa mga “extraordinary economic stimulus.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez