ADDIS ABABA (AFP) – Nanawagan ang African Union noong Huwebes para sa isang regional five-nation force na susupil sa “horrendous” na paghahari ng militannteng Islamist na Boko Haram sa Nigeria.

Ito ang nagkakaisang panawagan ng mga lider ng 54-member bloc sa pagbubukas ng kanilang dalawang araw na taunang pagpupulong sa kabisera ng Ethiopia, ang Addis Ababa, kung saan tinatalakay nila ang serye ng mga krisis sa kontinente.

“Terrorism, in particular the brutality of Boko Haram against our people, are a threat to our collective safety, security and development. This has now spread to the region beyond Nigeria and requires a collective, effective and decisive response,” bahagi ng talumpati ni AU commission chair Nkosazana Dlamini-Zuma sa pagbubukas ng summit.

Nananawagan ang AU Peace and Security Council para sa isang regional five-nation force na bubuuin ng 7,500 tropa na ipadadala para supilin ang mga rebelde.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mahigit 13,000 katao na ang namatay at mahigit isang milyon ang nawalan ng tirahan dahil sa paghahasik ng karahasan ng Boko Haram simula noong 2009