TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Isang operatiba ng Philippine National Police-Provincial Public Safety Company (PNP-PPSC) sa Sultan Kudarat ang pinaghahanap ngayon ng kanyang mga kabaro makaraang positibong itinuro ng kanyang live-in partner na namaril dito, mag-aalas siyete ng gabi nitong Enero 28 sa Barangay Griño sa lungsod na ito.

Sa ulat ng Tacurong City Police, sa pamamagitan ni Supt. Junny Buenacosa, nagtamo ng mga tama ng bala ng hinihinalang .40 caliber pistol si Marlyn dela Cruz y Tatoy, 34, biyuda, ng nasabing barangay.

Positibo umanong itinuro ni Dela Cruz ang kanyang kinakasama na si PO1 Datu Mauya Panguat na bumaril sa kanya.

Nakatakas si Panguat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa isang Donald dela Cruz y Jagunob, 20, binata, at residente sa lugar, naulinigan niya ang malakas na pagtatalo ng dalawa at sa kanyang pakiwari ay may pinagseselosan ang pulis, hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.