Daan-daang pulis, karamihan sa kanila mga kapwa graduate ng 44 Special Action Force commando mula sa Philippine National Police Academy, ang nagmatsa sa pakikiramay patungo sa Camp Bagong Diwa kahapon, kung saan isinagawa ang isang seremonya para sa yumao.

Nagmartsa sila sa pagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga kasama. Nagmartsa rin sila sa galit dahil sa brutal na pagpaslang at sa waring kakapusan ng husay ng mga nagplano at mga strategist na humantong sa kamatayan ang mga commando. May mga digmaang sinunong noon na may sampu hanggang 15 casualty lamang at kalimitang nasa panig iyon ng mga kalaban. Ngunit 44 na pulis? At ang karamihan sa mga iyon ay pawang binaril sa ulo tulad sa isang pagbitay.

Pinangunahan ni Pangulong Aquino ang necrological rites kung saan ipinangako niya ang hustisya para sa napaslang na mga pulis. Tiniyak niya sa mga pamilya nito ng buonhg suporta ng gobyerno, kabilang ang mga scholarship para sa kanilang mga anak. Umapela siya sa publiko na huwag bumigay sa kanilang emosyon.

Sa lahat ng simbahan na nasa ilalim ng Archdiocese of Manila, inialay ang mga misa para sa 44 PNP commando. “We express our deep solidarity, especially with their families and friends and all who belong to the wider family of the Philippine National Police,” ani Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Tunay ngang araw iyon ng pagdadalamhati para sa bansa. May panahon para sa lahat ng bagay sa ilalim ng langit, tulad ng nasasaad sa aklat ng Eclesiastes sa Biblia, at kahapon ang panahon upang lumuha.

Ngunit may panahon din upang maghanap, at maraming bagay na kailangang malinawan sa masaker at ang paghahanap ng katotohanan ay kailangang masidhing matamo. Paano pinadala ang tauhan ng PNP sa isang mapanganib na lugar nang walang koordinasyon sa puwersa ng militar na nasa lugar? Maari namang magpalunsad ng air strike, sana hindi naging ganoon karami ang namatay na pulis. Naroon din ang involvement ng mga Amerikano sa insidente, kabilang ang pagbawi ng mga bangkay ng mga miyembro ng SAF. Ito ba ay kaugay ng iniulat na $5 milyong pabuya?

Samantala, nilagdaan ng government peace panel at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Kuala Lumpur noong Huwebes ang protocol sa implementasyon ng decommissioning ng puwersa ng MILF. Ito ay bahagi ng kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF, na nakatadhana sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na nasa Kongreso.

Waring ipinagpaliban ang aksiyon sa BBL mismo, bunsod ng panawagan ng maraming senador at kongresista para sa suspensiyon ng konsiderasyon nito. Dapat lang. Kailangang malaman at maipaliwanag ang katotohanan sa likod ng masaker kaugnay ng pangkalahatang peace process. Hanggang hindi ito nagagawa, nasa rurok ng kawalan ng katarungan ang aprubahan o ikonsidera man lang ito.