Muli, maraming salamat sa pagsubaybay mo sa ating paksa - Ang Maliliit na Salita na May Gahiganteng Kahulugan.

Nitong mga nagdaang araw, nabatid natin na ang pinakasimpleng salita - na kung minsan ay ipinagwawalang-bahala natin - ay may kapangyarihang manakit o magpahilom, magdulot ng inspirasyon o sumira ng pangarap, makatulong o makahadlang.

Narito pa ang ilang halimbawa ng maliliit na salita na may gahiganteng kahulugan:

    National

    Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

  • Nauunawaan kita. - Natural sa tao ang makipag-ugnayan sa isa’t isa, kaya nakadarama ng sama ng loob at pagkabigo ang isang tao kapag hindi siya naintindihan. Sa mga pagkakataon na nakadarama tayo na nag-iisa na lamang, nahatulan nang mali , o nagapos ng sarili nating paniniwala, nagiging katanggap-tanggap sa atin ang isang kaibigang nakauunawa. Hindi naman kailangang sumang-ayon ang iba sa atin, ngunit naghahangad tayo na mayroong magsasabi ng “Ah, gets ko na” “Naintindihan ko na” “May point ka” “Good idea” “Maliwanag sa akin ang sinabi mo.”
  • Hinahangaan kita. - Ang mabatid na may humahanga sa iyo, tumitingin sa iyong mga tagumpay, sumusunod sa iyong mga yapak ay sapat nang pampasigla sa iyong ginagawa. Nakapagdudulot ng lakas ang mga salita ng paghanga sapagkat nagpapaalala ito na kumikintal sa iba ang ating pagsisikap.
  • Kaya mo ‘yan. - Kapag nagpahayag ka na ng pagsuko o binabalak mo nang bumitiw sa paniniwalang magagawa mo ang isang bagay, ang mga salita ng paghihimok ay may epekto sa iyong pagpupunyagi. Kapag nalaman mo na may taong naniniwala sa iyong kakayahan, lalo kang magsisikap upang huwag mo siyang biguin. Nagkakaroon ka ng pananampalataya sa iyong sarili.

Maraming salamat sa iyong pagsubaybay.