COMPTON, Calif. (AP) — Nasasangkot ngayon sa kaso ang Death Row Records founder na si Marion “Suge” Knight nang aksidente niyang masagasaan at mapatay ang isang kaibigan at masugatan ang isa pang lalaki noong Huwebes habang tumatakas sa kanyang mga kalaban, ayon sa kanyang abogado. Ayon sa awtoridad, ang insidente ay inimbestigahan bilang homicide.
Sumuko si Knight, 49, at ikinulong bilang suspect sa murder.
“We are confident that once the investigation is completed, he will be totally exonerated,” pahayag ni Atty. James Blatt nang makausap sa telepono.
Ayon kay Los Angeles County sheriff’s Lt. John Corina, isang pulang pickup truck ang sumagasa sa mga biktima dakong 3:00 ng hapon sa parking lot ng isang fast-food restaurant sa Compton, Los Angeles at sila ay iniwanan.
“Looks like he drove backwards and struck the victims and drove forwards and struck them again,” kuwento ni Corina.
“The people we talked to say it looked like it was an intentional act,” dagdag niya.
Natagpuan ang truck Huwebes ng gabi sa West Los Angeles parking lot, ayon kay Corina.
Aniya, walang nakuhang saksi ang mga imbestigador na makakapagsabi na si Knight ang nagmamaneho ng nasabing truck, ngunit nasilayan ang rap mogul na nagmamaneho ng nasabing truck 20 minuto bago naganap ang insidente sa ibang parte ng lungsod.
Nasangkot aniya sa ilang kaguluhan si Knight bago maganap ang insidente.
“To see the argument happen, it’s one thing,” pahayag ng 17-anyos na si Robert Smith, na kumakain sa isang restaurant ng mga oras na iyon. “Seeing the car incident, that was shocking.”
Ayon naman kay Blatt, aksidente ang nangyari.
“He was in the process of being physically assaulted by two men and in an effort to escape he unfortunately hit two (other) individuals,” pahayag ng abogado. “He was in his car trying to escape.”