Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagpatupad ang mga panadero sa bansa ng price rollback sa pandesal sa mga panaderya epektibo kahapon bunsod ng pagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Sa anunsiyo ng kagawaran, tinapyasan ng 15 sentimos ang presyo ng pandesal o magdadagdag ng dalawang gramo sa timbang ng bawat piraso nito kung hindi naman susunod sa price rollback batay sa napagpasyahan ng Philippine Federation of Baker’s Association In. (PFBA).

Gayunman, walang paggalaw sa kasalukuyang presyo ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal na nabibili sa supermarket.

Ikinatwiran ng mga panadero maliit lamang na bahagi ang mababang presyo ng LPG at petrolyo sa paggawa ng tinapay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Umaasa ang mga ito na dapat bumaba ang presyo ng harina na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay upang mas malaki ang ipatutupad na price rollback.

Kaugnay nito, pakikiusapan ng DTI ang local flour miller na magpatupad din ng bawas-presyo sa harina upang bumaba ang halaga ng iba pang tinapay sa mga pamilihan.