Nahaharap ngayon sa kasong estafa ang isang tauhan ng Manila Police District (MPD) at Swedish fiancée nito, na nagpakilalang isang diplomat ng China, matapos mabigong bayaran ang P100,000 bill nito sa Manila Hotel.

Kinilala ang mga suspek na sina PO3 Giles Macoy Imperial, 44, nakatalaga sa MPD-Explosives and Ordinance Division; at Theresa Watchanee De Jager, 44, kapwa residente ng Rawis Compound, Tondo.

Lumitaw sa imbestigasyon na nag-check-in ang dalawa sa Manila Hotel simula Enero 21 hanggang 26.

Subalit nang hilingin ng front office manager na si Miguel Geraldito Catacutan, tumanggi umano ang dalawa na bayaran ang kanilang bill na umabot sa P99,342.60 para sa anim na araw na room accommodation at pagkain.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Iniharap sa City Prosecutors’ Office sina Imperial at De Jager nang kasuhan sila ng MPD ng estafa.