Bibigyan-pugay ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang pinakamahabang international fanbase sa Pebrero 19 hanggang Marso 4 ang kanilang pinakamalaking Chinese New Year Celebration kung saan ay nakapaloob din ang pagsalubong sa Year of the Goat ng milyun-milyong fans sa China, U.S. at buong mundo. 

Ang selebrasyon ay kapapalooban ng record 56 live games broadcast at streamed sa Greater China, ihaharap ang 27 sa 30 NBA teams; ang debut ng “Surprise Door,” ang unang NBA Chinese New Year television spot, na siyang yayakap sa diversity ng mga panatiko sa liga; ang paglaladlad ng unang Chinese New Year uniforms; at ang tip-off ng Chinese New Year Celebration Season of Giving bilang inisyatibo at suportahan ang underprivileged communities sa China.

“Chinese New Year is a time of joyful family reunion and provides an occasion for us to share in the festivities by delivering the excitement of the NBA right into the homes of our fans,” saad ni NBA China CEO David Shoemaker. “We truly appreciate the support of our Chinese fans, and we are thrilled to tip off our NBA Chinese New Year Celebration Season of Giving by dedicating a new basketball court in Fujian Province.”

Ang NBA Chinese New Year Celebration ay gagabayan rin ng star-studded television commercial na kinabibilangan ni Golden State Warriors’ Stephen Curry, si Houston Rockets’ James Harden, si Los Angeles Lakers’ Jeremy Lin at Miami Heat’s Dwyane Wade na magbibigay ng sorpresa sa pagbisita sa Chinese family upang makihalubilo sa holiday festivities at sama-sama nilang panonoorin ang NBA game.  

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang spot ay isinaere kahapon at magtatapos sa Marso 5 ng NBA China’s television at digital partners’ platforms, kasama na ang NBA.com/China at mobile at social media assets.  Sa U.S., ang spot ay unang sasalang sa pagitan ng bakbakan ng San Antonio Spurs at Golden State Warriors sa Pebrero 20 (10:30 p.m. ET, ESPN).

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng NBA, ang mga koponan ay magsusuot ng espesyal na dinisenyong Chinese New Year uniforms na magbibigay tribute sa league’s Chinese fans at sa kanilang kultura.  Isusuot ng Warriors ang uniporme sa Pebrero 20 sa kanilang pagharap sa San Antonio Spurs sa sariling tahanan, habang isusuot ng Rockets ang kanilang uniporme sa Pebrero 21 sa kanilang pagiging punong-abala sa Toronto Raptors.  Kapwa susuotin ng koponan ang mga uniporme na may pangkalahatang kumbinasyon na pitong mga laro.  Bukod sa Rockets at Warriors, iseselebra rin ng Sacramento Kings, Toronto Raptors at Washington Wizards ang holiday at magbibigay tribute din sa Chinese culture kasama ang giveaways sa fans, musical performances, dancers, food, courtside signage, at partner activation.

Ipalalabas ng China Central Television (CCTV) ang slate ng 20 marquee matchups na magsisimula sa Pebrero 19 na may doubleheader na kabibilangan ni Dirk Nowitzki at Dallas Mavericks na bibisitahin si Kevin Durant at ang Oklahoma City Thunder, susundan ng NBA Champion na San Antonio Spurs na magtutungo kay Blake Griffin at Los Angeles Clippers.

Dagdag pa sa CCTV, mapapanood din ng fans ang mga laro sa Beijing TV, BesTV, Chongqing Satellite TV, Guangdong TV, LeTV, Sina, Tencent, Elta, Fox Taiwan, Taiwan Mobile, Videoland, at Now TV Hong Kong.

Pasisimulan ni nine-time NBA All-Star, NBA champion and Hall of Famer na si Gary Payton ang festivities at taunang NBA Chinese New Year Celebration Season of Giving na inisyatibo ng China sa enero 30 kung saan ay nakahanay ang basketball clinic at traditional Chinese New Year meal kasama ang underprivileged students sa Nanping, Fujian Province.  Magpapartisipa rin si Payton sa unveiling ng basketball court na ipinagkaloob sa eskuwelahan ng NBA.  At pagkatapos ay bibiyahe siya sa Shanghai upang bisitahin ang mga kabataan sa NBA Yao Basketball Club, magsasagawa ng basketball clinic kaagapay ang grupo ng Special Olympics athletes at ibahagi ang kasiyahan ng holiday sa pamamagitan ng pagbibigay ng special NBA Chinese New Year gifts.