CAMP DANGWA, Benguet - Makaraang masuyod ang plantasyon ng marijuana sa Kibungan, nakatuon naman ang marijuana eradication sa bayan ng Bakun, makaraang mahigit P2 milyon halaga ng fully grown marijuana plants ang nadiskubre ng magkakasanib na tauhan ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera.
Sa ulat ni Senior Supt. Rodolfo Azurin Jr., director ng Benguet Police Provincial Office, kay PRO Cordillera director Chief Supt. Isagani Nerez, umaabot sa 12,000 fully grown marijuana plants at 7,500 marijuana seedlings, na may kabuuang halagang P2,572,000, ang pinagbubunot at sinunog sa unang operasyon sa 2,133-metro kuwadrado sa mga sitio ng Balisawsaw at Nacneng sa Barangay Kayapa sa Bakun nitong Enero 19.