ABANGAN ngayong alas siyete ng gabi ang bagong reality street dance show ng TV5 na Move It na pangungunahan nina Jasmin Curtis Smith at Tom Taus, Jr.

Jasmine-Curtis-and-Tom-Taus-300x279Marami ang nag-aabang sa bagong kumbinasyong ito nina Jasmin at Tom. Mahusay sa hosting si Jasmin at kilala na ring mahusay na disc jockey si Tom. Sana ay mapasikat nila ang show na ito.

Tulad ng ibang reality shows ay magugulat ang manonood sa pagsali ng mga kilalang personalidad na minsan nang gumawa ng pangalan sa industriya. Kaya muling mapapanood sa galing nila sa pagsasayaw.

Nang banggitin sa amin ang pangalan ng contestants ay halos kilala naming lahat at nakaramdam kami ng panghihinayang dahil nga nawala silang bigla sa limelight. Pero sa pamamagitan ng Move It ay posibleng makabalik sila sa showbiz.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Hindi pa rin kumukupas ang galing sa paghataw ng dating premyadong young actor na naging miyembro ng grupo sa kilalang TV network pero nagkaroon ng problema kaya nawalan ng ningning.

Sumunod naman ang dance group na kilala pa rin hanggang ngayon pero hindi na nabibigyan ng projects dahil kulang sa push.

Kilalang dancer/choreographer ang tatay ng isa sa contestant ng Move It at carbon copy pa pati sa kilos, galaw at ang angas sa entablado. Naalala namin nang huli namin siyang makatsikahan at nagkuwento siya na may papalit na sa trono niya, ang anak niyang mas magaling sumayaw kaysa sa kanya na pambato ng eskuwelahang pinapasukan nito at napadala na sa iba-ibang bansa.

Ang binabanggit naming dancer/choreographer ay back-up dancer ni Gary Valenciano, si Joshua Zamora.

Kaya abangan ang Move It, mamayang gabi na sa TV5.