Nanawagan sa huling pagkakataon kay Makati City Mayor Junjun Binay ang pamunuan ng Blue Ribbon Committee na dumalo ito sa mga susunod na pagdinig ng sub-committee para maiwasan na ipadakip at ipakulong ng Senado.

“Ginagawa ko ang huling panawagang ito sa pagnanais na maiwasan ang isang situwasyon na kakailanganin nang Blue Ribbon Committee na maglabas ng utos para sa pag-aresto kay Mayor Binay at mga kasama niya,” pahayag ni committee chairman Senator Teofisto Guingona III.

Sa Lunes, ay pagbobotohan na ng komite kung i-cite for contempt ang alkalde batay na rin sa panukala ni sub-committee chairman Sen. Aquilino Pimentel III.

Ayon kay Guingona, hindi pwedeng hayaan ng committee ang patuloy na paglabag sa ganitong utos. Nasa kapangyarihan ng committee na ipag-utos ang pag-aresto at pagkukulong sa APmga taong lumalabag dito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Ito na ang huli kong panawagan. Umaasa ako na ang mga kaibigan at kapanalig ni Mayor Binay ay papayuhan siya ng tama tungkol sa situwasyong kanyang kinakaharap,” ani Guingona.

Bukod sa alkalde, kabilang din sina University of Makati president Tomas Lopez, Ms. Eduviges Ebeng Baloloy, Marjorie de Veyra, Atty. Eleno Mendoza, Engineer Line Dela Pena, and Bernadette Portollano sa mga nais ipaaresto ni Pimentel.