RIYADH (Reuters)— Pumanaw na si Saudi Arabia King Abdullah noong Biyernes ng umaga at ang kanyang kapatid na si Salman ay naging hari, sinabi ng royal court sa world’s top oil exporter at sinilangan ng Islam sa isang pahayag na inilabas sa state television.

Pinangalanan ni King Salman ang kanyang half-brother na si Muqrin bilang crown prince at kanyang tagapagmana.

“His Highness Salman bin Abdulaziz Al Saud and all members of the family and the nation mourn the Custodian of the Two Holy Mosques King Abdullah bin Abdulaziz, who passed away at exactly 1 a.m. this morning,” saad sa pahayag.

Si Abdullah, ipinapalagay na isinilang noong 1923, ay naging hari ng Saudi Arabia simula 2006, ngunit pinatakbo ang kaharian bilang de facto regent sa loob ng isang dekada bago namatay ang kanyang pinalitang si King Fahd dahil sa stroke.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Abdullah ay nagsilbing gabay sa suporta ng Saudi Arabia sa gobyerno ng Egypt matapos ang kudeta ng militar noong 2012, at pinamunuan ang suporta ng kanyang bansa para sa rebelyon ng Syria laban kay President Bashar al-Assad.

Si King Salman, pinaniniwalaang 79-anyos, ay naging crown prince at defense minister simula 2012. Siya ay governor ng probinsiya ng Riyadh sa loob ng limang dekada bago nito.