Pulitika ang isa sa mga anggulong sinisiyasat ng Taguig City Police kaugnay sa pamamaslang sa isang barangay chairman sa pagsalakay ng riding-in-tandem sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Dinala sa Taguig-Pateros District Hospital subalit inilipat kalaunan sa Saint Lukes Hospital sa Bonifacio Global City ang biktimang si Aurelio Padilla, chairman ng Barangay New Lower Bicutan, Taguig kung saan ideneklara itong dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon nina SPO2 Rodelio Abenojar at PO3 Allan Corpuz ng Taguig Police Station, dakong 9:30 ng gabi pinagbabaril ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo si Padilla sa Manuel L. Quezon St., Purok 3 New Lower Bicutan malapit sa hangganan ng Barangay Maharlika.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 sa pangunguna ni Senior Insp. Dwight Ong matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Inaalam na rin ng awtoridad kung may nakakabit na closed circuit television (CCTV) camera sa lugar na makatutulong sa pagtukoy sa mga suspek.