KAYA naman pala payat-payatan ang dating ng TV host/actress dahil adik sa workout maski na anong oras.

“Naku maski pagod na pagod at walang tulog, paanay ang workout sa bahay,” kuwento ng kaanak at kasambahay ng TV host/actress. “Pinagsasabihan nga namin kasi baka magkasakit, eh, feeling daw niya ang laki-laki niya sa TV.”

Napansin namin na sobrang payat na nga ni TV Host/Actress lalo na sa personal at dinadaan na lang niya sa ganda ng damit at heavy make-up para mas mapansin ito kaysa sa kapayatan niya.

“Nagpapapayat talaga kasi baka ipagpalit siya ng boyfriend niya na diet-dietan din ang hilig,” tsika naman ng kaibigan ng TV host/actress.

Susme, e, parang hindi naman seryoso ang boyfriend ni TV Host/Actress sa kanya dahil mas focused ito sa career at sa mga kaibigan.

National

False claim? Tanya Gaisano, pumalag sa sinabi ni Ramil Madriaga tungkol sa regalong painting kay VP Sara