BAMAKO, Mali — Sinabi ng Mali health minister na malaya na sa Ebola ang bansang ito sa West Africa matapos walang maitalang bagong kaso sa nakalipas na 42 araw, ang panahon na hinihiling ng World Health Organization (WHO) upang maideklarang opisyal nang natapos ang outbreak.

Ginawa ni Health Minister Ousmane Kone ang anunsiyo sa isang pahayag noong Linggo ng gabi.

Naitala ng Mali ang kanyang unang kaso ng Ebola noong Oktubre, at halos nabura ang sakit bago maganap ang panibagong bugso ng mga kaso noong Nobyembre. Sa kabuuan, walong katao ang nahawaan ng sakit at anim sa kanila ang namatay, ayon sa WHO.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho