pokwang-copy (1)

NANGHIHINAYANG kami sa pelikulang Edsa Woolworth ni Pokwang kasama ang ilang Pinoy actors tulad nina Joji Isla, Ricci Chan, Princess Ryan at may special participation ang dentistang si Vivian Foz at foreign actors sa direksiyon ni John-D Lazatin produced ng TFC.

Iilan lang kasi kaming nanood ng last full show sa Gateway Cinema 4 noong Linggo at sabi rin ng mga takilyera, mahina nga ang pelikula.

Sayang kasi maganda ang kuwento ng Edsa Woolworth na tumatalakay sa relasyon ng magkakapatid na Pinoy at sa stepdad nilang puti na maysakit na Alzheimer’s simula nang mamamatay ang Pinay nitong asawa at mahal na mahal nila maski hindi kadugo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kaya pala kumita ito sa Amerika dahil realidad ang kuwento at sabi sa amin ng Pinoy concert producer na nakausap namin noong nasa San Francisco kami, “Very heartwarming ‘yung movie, kasi tungkol sa pamilya at mamahalin mo si Pokwang doon kasi ‘yung pagmamahal niya sa hindi niya kalahi na tumayong tatay niya, sinuklian nilang magkakapatid din ng pagmamahal.”

Samantala, kaya naman pala hindi halos makasagot si Pokwang sa presscon ng Edsa Woolworth tungkol sa kissing scene nila ng leading man niyang si Lee O’ Brian ay dahil sangkaterba pala at hindi na namin nagawang bilangin pa lalo na sa Jacuzzi scene na talagang magkadikit ang mga katawan nila at panay ang laplapan to the max.

Hindi na rin kami magtataka kung may namuong relasyon sina Pokwang at Lee dahil mahirap nga naman kalimutan ang intimate scenes ng dalaga, eh, knowing Pokie, ilang taon na rin naman yata siyang hindi nahalikan ng lalaki.

Curious kami kung anong trabaho ngayon at kung nag-asawa na ba ang dating aktres na si Bad dahil medyo lumusog siya lalo. Matatandaang ex-boyfriend niya si Alwyn Uytingco na asawa na ngayon ni Jennica Garcia.

Sana subukang mapanood ng mga kababayan natin ang Edsa Woolworth dahil maganda at makabuluhan talaga ang kuwento sa bawat Pilipino.