Naharang ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Army ang isang barko na sakay ang 6,000 sako ng high grade na bigas sa Barangay Logpond, Tungawan, Zamboanga Zibugay.

Enero 15, ng taong ito nang pigilan at harangin ang saku-sakong bigas na sakay ng barkong M/L Tawi-Tawi mula Sulu papuntang Northern Zamboanga.

Sinamahan at dinala ng mga guwardiya ang mga bigas sa Port of Zamboanga na pinangunahan ni BOC District Collector Miguel Pio Saquisami. Iniimbestigahan na kung sino ang may-ari ng mga hinihinalang puslit na bigas. - Mina Navarro
National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8