MASAYA ang pasok ng 2015 kay Ina Raymundo dahil kasama siya sa dalawang malalaking project ng Kapamilya Network, sa teleseryeng Nasaan ka Nang Kailangan Kita at sa pelikulang Halik Sa Hangin.

Ina RaymundoMarami ang nasorpresa sa pagdalo ni Ina sa presscon ng Halik sa Hangin dahil slim at beautiful pa rin ang dating sexy actress kahit may asawa’t limang anak na siya.

Thirty-six years old na ngayon ang aktres.

Magaganda ang offers kaya’t hindi raw niya matanggihan ang muling pag-enter sa showbiz. But this time, maingat na raw siya sa pagpili ng roles na tatanggapin. Mukhang tatalikuran na niyang tuluyan ang pagpapaseksi.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Kapag may anak ka na, ‘tapos apat pa ‘yung babae, you really, really have to think about it. It’s hard. You have to be a good role model talaga,” pahayag niya.

Hindi naman daw siya pinakikialaman ng kanyang asawa sa kanyang showbiz career, pero siya mismo ang nagdesisyong magbago ng image. Ayaw kasi niyang may masabi ang kanyang pamilya sakaling magkamali siya sa tatanggaping projects.

“I want to be a role model for them. Actually ‘yung asawa ko payag siya (na magpa-sexy pa siya sa glossy mags). Sa akin, parang ang off na at awkward para mag-pose ako. Hanggang pangarap na lang ang mga iyon, hanggang imagination na lang. Pero para isakatuparan, parang mahirap.

“Limang bata na ang lumabas sa tiyan ko, ‘tapos magpo-pose pa ako? Sa pelikula, baka p’wede pa. Sa movie, kung kailangan. Pero hindi naman na kasi uso ‘yung bold, di ba?” natatawang pahayag niya.

Sexy movies ang ilan sa box-office hit na kanyang ginawa gaya ng Bikini Watch, Madame X, at Burlesk Queen Ngayon.

“’Yung past ko, past na iyon, eh. So ang importante talaga ‘yung present. Gusto kong maging good role model sa apat na anak kong babae,” pagbibigay-diin pa ni Ina.

May sarili nang pag-iisip ang kanyang mga anak na sinusubaybayan ang kanyang showbiz career lalo na ang kanyang eldest daughter .

Gusto niyang ipagmalaki siya ng mga anak lalo na’t girls ang apat sa mga ito.

“In-explain ko naman na trabaho iyon, na past na iyon. Na talagang, sa totoo lang, sabi ko, ‘Kung ako ang masusunod, sana hindi ko iyon ginawa’. Pero nangyari na iyon. Ang importante ay present, na I’m a mom and I’m doing my best na maging intact ang family namin. Feeling ko naiintindihan naman nila iyon,” pahayag pa ng aktres.