Nasawi kahapon ang isang 22-anyos na babaeng volunteer ng Department of Health (DoH) matapos siyang madaganan ng scaffolding sa Tacloban airport, malapit sa pinagdausan ng misa ni Pope Francis sa lugar.

Hindi pa nakikilala ang nasabing volunteer.

Iniulat ng DZRH News na nadaganan ang biktima ng loudspeaker scaffolding na tinangay ng malakas na hangin na dulot ng ‘Amang’.

Hindi pa naipapaalam sa pamilya ng biktima ang insidente kaya hindi pa makapaglabas ng iba pang detalye tungkol sa aksidente, ayon sa news agency.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Napakalakas ng hangin na dulot ng bagyong Amang kaya naman may isang oras matapos ang misa ay tinangay ng hangin ang bubong ng ginawang altar sa Tacloban Airport, gayundin ang mga bleacher na pinuwestuhan ng choir na umawit sa misa. - Czarina Nicole O. Ong