Limang pangunahing lansangan ang isasara sa mga motorista ngayong araw upang bigyang daan ang convoy ni Pope Francis, na pangungunahan ang isang malaking pagtitipon sa University of Sto. Tomas (UST) sa España Boulevard sa Maynila.

Base sa direktiba ng Presidential Security Guard (PSG) at Philippine National Police (PNP), kabilang sa mga isasara ang mula sa Welcome Rotonda hanggang Morayta Street, mula Dimasalang hanggang Nagtahan Bridge, mula Dapitan Sports Complex hanggang Lacson Street, mula P. Margal hanggang Dos Castillas St., kahabaan ng P. Noval – mula Dapitan hanggang España Boulevard.

Itinalagang drop off point ang: panulukan ng Andalucia Street at Laon-Laan St., panulukan ng Espana at Morayta Sts., panulukan ng Lacson at Dimasalang Sts., at panulukan ng Espana Boulevard at Blumentritt.

Sinabi ng mga organizer na bubuksan ang Gate 5 at 6 ng unibersidad para sa mga dadalo sa okasyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Para sa Thomasian community, bubuksan ang Gate 1, 2, 3 at 14. - Jenny F. Manongdo