Raymart Santiago

SA loob ng maraming taon ay nanatiling tapat o loyal si Raymart Santiago sa GMA-7. Kaya naman sinusuklian ito ng pamunuan ng Siyete ng magagandang proyekto tulad ng Second Chances.

Sa takbo ng istorya, kamamatay lang ng asawa ni Raymart at makikilala niya si Jennylyn Mercado na isa namang biyuda. Mamumuo ang kanilang relasyon pero mapuputol dahil meron siyang matutuklasang lihim tungkol kay Jennylyn. Sadyang hindi isiniwalat ni Raymart kung ano ang lihim dahil ito raw ang dapat abangan ng mga manonood.

Inasahan na naming itatanong kay Raymart kung may second chance pa, kahit bilang magkaibigan na lamang sa kanya at sa kanyang estranged wife na si Claudine Barretto. Aniya, alang-alang sa mga anak nila ay gusto niya itong mangyari.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Malabo na makipagrelasyon siya agad sa iba lalo na ngayong trabaho ang kanyang prioridad. Para na rin ito sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Sa Second Chances ay natupad ang matagal na niyang pangarap na makatrabaho si Laurice Guillen, ang kanilang direktor. (REMY UMEREZ)