Milwaukee Bucks' Jerryd Bayless, right, cries out as he vies for the ball with New York Knicks'  Lou Amundson during the NBA basketball game between Milwaukee Bucks and New York Knicks at the O2 Arena in London, Thursday, Jan. 15, 2015. (AP Photo/Kirsty Wigglesworth)

LONDON (AP)- Business trip o hindi.

Ito ang sinasabing palagiang itinatayong holiday para sa Milwaukee Bucks.

Sinundan ng Bucks, ilang araw, ang sightseeing sa London makaraan ang magaan na panalo kontra sa pinakamasamang koponan sa NBA, ang napakagandang pagbiyahe ng una sa kabilang ibayo sa Atlantic.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Umiskor si O.J. Mayo ng 22 puntos, habang nag-ambag si Brandon Knight ng 20 puntos at 6 steals, upang pataubin ng Bucks ang New York, 95-79, kahapon, nagpalawig sa Knicks sa franchiserecord losing streak na 16.

‘’This was a great trip for our team,’’ pagmamalaki ni Mayo. ‘’Great team bonding, great time sightseeing. ... It was a pleasant trip.’’

Habang ipinapakita ng Knicks kung bakit sila nabigo ng 26 sa 27 mga laro at taglay ang NBA-worst 5-36, ang labanan ay isang masamang advertisement para sa NBA sa kanilang taunang London game na nagkakaloob ng magandang laro sa ubayong dagat.

Naimintis ng Knicks ang kanilang unang 10 buslo, ang tatlo ay mula sa 6-second span, at isinuko ang 14 offensive rebounds, ang 10 ay sa unang half. Kinuha ng Bucks ang 14-0 lead, at angat sa 24 sa second quarter kung saan ay ‘di na nila hinayaan ang New York na makalapit sa mahigit sa 11 sa kabuuan ng laro.

‘’We didn’t give ourselves much of a chance after the first few minutes of the game,’’ pahayag ni Knicks coach Derek Fisher.

Ang pagbabalik nina Carmelo Anthony at Amare Stoudemire ay nakagawa lamang ng maikling pagiinit sa New York.

Pinamunuan ni Anthony ang Knicks na taglay ang 25 puntos. Hindi naman nakaiskor si Stoudemire sa walong first-half minutes at ‘di na nakapaglaro matapos ang break. Hindi nakita sa aksiyon si Anthony sa nakaraang anim na mga laro sanhi ng problema sa tuhod, habang pinagpahinga si Stoudemire simula pa noong Disyembre 25, sanhi rin ng knee injury.

Bagamat nakapagpahinga ng dalawang linggo, ikinagulat ni Anthony ang mabagal na panimula ng New York.

‘’It’s just a recurring act. It’s the same thing happening over and over again,’’ nanlulumong sinabi ni Anthony. ‘’We’re the only people that can control that.’’

Kapwa pinagpahinga ng coaches ang kanilang starters sa fourth quarter, tinapyas ng New York ang pagka-iwan sa 87-76, may 4:38 pa sa laro.

Subalit ibinalik ng Bucks coach Jason Kidd si Knight habang nanatili si Anthony sa bench kung saan ay tinapos ni Mayo ang laro na kaakibat ang tres tungo sa 92-76 kalamangan ng koponan sa nalalabing 3 minuto sa laban.

Nagposte si Mayo ng 16 puntos sa first half o 6-of-8 sa shooting. Nagdagdag si Giannis Antetokoun ng 16 puntos para sa Bucks, nagtala si Khris Middleton ng 14 at inasinta ni Zaza Pachulia ang 11.

Naglaro sina Knight at Mayo na may intensidad na siyang kakulangan naman sa New York. Sadyang ikinasa ni Knight ang lahat, nagposte rin ng 6 assists at 5 rebounds.

‘’I just try to lead by example,’’ pahayag ni Knight. ‘’I just try to be an extension of coach Kidd. But our bench also does a great job of being a calming influence.’’

MELO’S HEALTH

Hindi inasahan ni Anthony na maimintis ang mas maraming playing time sa kasalukuyan matapos ang dalawang linggong pamamahinga.

‘’I’m back. I’m back playing,’’ pahayag ng forward. ‘’I really think these two weeks really helped.’’

Sinabi ni Fisher na si Stoudemire ay pwedeng maglaro ng mas mahabang minuto, ngunit ‘di ito naging mabisa nang siya’y ibalik sa second half.

‘’He could have, he was physically able to,’’ ayon kay Fisher.

TIP-INS

Knicks: Naglaro rin ang New York also sa London may dalawang taon na ang nakalipas, tinalo ang Detroit, 102-87. Itinarak ni Anthony ang 26 puntos sa nasabing laro kung saan ay nagsimula naman si Kidd bilang point guard sa New York.... Sadyang kinulang ang Knicks kumpara sa Bucks shirts sa kabuuan ng arena.

Bucks: Nagwagi ang Milwaukee ng anim sa kanilang huling walong mga laro upang mapalakas sa 21-19 ang kanilang kampanya. Ang Bucks ay 3-0 kontra sa New York sa season. ... Delikadong bumagsak ang guard na si Kendall Marshall nang makipagpambuno ito sa loose ball sa second quarter. Nanatili ito sa sahig ng ilang minute bago tinulungang patayuin at dalhin sa locker room. Hindi na siya nakabalik.