Casio, Fajardo and Abueva

Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum) 7 p.m. San Miguel Beer vs. Alaska

Muling mag-uunahan upang makuha ang bentahe sa kanilang serye na naibaba sa ngayon sa best-of-three ang San Miguel Beer at Alaska sa kanilang pagtutuos ngayon sa Game 5 ng kanilang best-of-7 championship series ng PBA Philippine Cup.

Nakatakda sa ganap na alas-7:00 ang pagtitipon ng Beermen at Aces na kapwa nangangailangan na lamang na makapagtala ng tig-dalawang panalo upang makamit ang asam na kampeonato.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakuhang itabla ng San Miguel Beer ang serye kasunod ng kanilang itinalang 88-70 panalo noong Miyerkules ng gabi sa Game Four.

Ang hinahanap nilang laro sa nagbalik-San Miguel na si Alex Cabagnot, matapos ang tatlong mga laro, ay kanila nang nakita ng magawang i-deliver ng Fil-Am guard ang mahalagang papel sa koponan matapos nitong itala ang 22 puntos, 16 dito ay isinalansan niya sa unang dalawang quarters.

Taliwas sa kanilang ipinakitang laro sa Game Three, nakita sa San Miguel Beer ang larong naging susi para sila tumapos na topnotcher sa nakaraang eliminations.

Bagamat napigilan ng Aces ang Best Player of the Conference na si Junemar Fajardo na makaiskor sa second half, matapos magtala ng 11 puntos sa first half, sinalo naman nina Ronald Tubid, Cabagnot, Chris Lutz at Arwind Santos ang scoring cudgels para pangalagaaan ang kanilang kalamangan na umabot pa sa 29 puntos, 55-26.

Ayon kay coach Leo Austria, nasa kanila ngayon ang momentum matapos ang kanilang naging tagumpay sa Game Four, ngunit hindi pa tapos ang laban at kinakailangan pa nilang manalo ng dalawa para matapos ang kanilang misyon, at para sa kanya, mahalaga na makuha ang isa sa kinakailangang huling dalawang panalo.

"We were able to show the people that we can also play defense. Now we have the momentum, but we have a very big respect for Alaska. Game One is very important in a best-of-3, so we will try to remain focus with our target,`` ani Austria.

Sa panig naman ng Aces, sa kabila ng pagkatalo, optimistiko pa rin si Aces coach Alex Compton sa kanilang tsansa.

Katunayan, buong pagmamalaking sinabi nito na hindi na niya kailangan pang i-motivate ang kanyang players dahil punum-puno aniya ang Alaska ng self motivated players na gustong magtagumpay.

``I don`t motivate players,`` ani Compton matapos tanungin kung paano niyang magagawang muling maipokus ang kanyang mga manlalaro tungo sa Game Five.

``We have a bunch of motivated guys that`s why we are where we are right now,`` dagdag pa nito.

Ngunit pagdating sa Game Five, gustong mabigyan ng atensiyon ni Compton ang kanilang palagiang pagkakaiwan sa simula ng laban.

``Hindi puwedeng lagi na lamang kaming naghahabol ng malaki dahil hindi maganda ‘yung simula namin, we have to find some adjustment.``