Ni ELLSON A. QUISMORIO

Umaasa ng “divine intervention” mula kay Pope Francis ang isang mambabatas kaugnay ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa mga grupong rebelde—partikular ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang National Democratic Front (NDF).

Binanggit ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon ang aktibong involvement ng Papa sa mga usapan sa pagitan ng mga bansa, gaya ng nangyari sa Palestine at Cuba.

“Pope Francis has spoken emphatically about the Palestinian question and involved himself in improving US-Cuba relations. We hope that he will intervene as well in the peace negotiations between the government and the NDF and the MILF,” sabi ni Ridon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Darating sa bansa ngayong Huwebes si Pope Francis para sa limangaraw na pananatili rito. Ang kanyang pagbisita ay may temang “Mercy and Compassion,” at pangunahing sadya niya ang pangungumusta sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Leyte noong Nobyembre 8, 2013.

“We sincerely hope that talks on peace are in the agenda of the Pope when he meets President (Benigno S. Aquino III) in Malacañang later this week,” ani Ridon.

Itinakda bukas ng umaga ang courtesy call ni Pope Francis sa Pangulo.

Bahagi ng militanteng Makabayan bloc sa Kongreso, pinayuhan ni Ridon si Pangulong Aquino “to act in humility and listen to what the Pope has to say” sa may dalawang-oras na paghaharap ng dalawa sa Malacañang bukas.

Ang pakikipag-usap ng gobyerno sa MILF ay nagresulta sa pagkakatatag ng Bangsamoro sub-state, at ang panukala rito—ang Bangsamoro Basic Law (BBL)—ay malapit nang maisapinal sa Kongreso.

Gayunman, sinabi ni Ridon na mayroon pa ring “issues that need to be ironed between the government and the MILF that Pope Francis can help with.”

Samantala, hindi pa nagkukumpirma ang NDF kung magbabalik ito sa pakikipag-negosasyon sa gobyerno kahit pa bukas ang dalawang panig na ipagpatuloy ang pag-uusap.