Ang pagdadala ng transparent raincoat o kapote ay maaaring magandang ideya upang manatiling tuyo kung nagbabalak kang dumalo sa mga aktibidad ni Pope Francis sa pagbisita niya sa bansa ngayong linggo.

Ayon kay Rene Paciente, assistant weather services chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), ang low pressure area (LPA) na minamatyagan ng ahensiya mula noong weekend ay may malaking tsansa na mas lumakas at maging tropical depression bago pumasok sa area of responsibility ng bansa sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.

Dakong 8:00 ng umaga kahapon nang mamataan ang LPA sa layong 1,810 kilometro (km) sa silangang bahagi ng Mindanao.

“Our data show that there is still possibility that the weather disturbance will recurve downward but it is also show that it may cut across Eastern Visayas-Bicol Region area toward the Palawan area this weekend. Either way, it will rain during the Pope’s visit in Metro Manila and Leyte,” paliwanag niya.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Sa Enero 14-17 (Miyerkules-Sabado) ay makararanas ang Metro Manila ng manaka-nakang pagulan na may light to moderate northeasterly winds, ayon kay Paciente.

Sa Enero 18 (Linggo) ay mararamdaman naman ang katamtaman hanggang malakas na hangin at pag-ulan, habang magiging maulap na may bahagyang pag-ulan sa Metro Manila sa Lunes (Enero 19). - Ellalyn B. De Vera