TORONTO (AP)– Nagtala si Brandon Jennings ng 34 puntos at 10 assists upang tulungan ang Detroit Pistons sa ikasiyam na panalo sa 10 mga laro nang talunin ang Toronto Raptors, 114-111, kahapon.

Gumawa si Greg Monroe ng 22 puntos at humatak ng 10 rebounds sa pagputol ng Pistons sa kanilang four-game losing streak laban sa Toronto. Nakaiskor si Jodie Meeks ng 11 sa kanyang 13 puntos sa fourth quarter at nag-ambag si Jonas Jerebko ng 8 sa kanyang 10 sa final period.

Nailista naman ni Jonas Valanciunas ang career-best na 31 puntos at 12 rebounds para sa Raptors, na natalo sa ikalimang pagkakataon sa anim na laro. Umiskor si Kyle Lowry ng 10 puntos at 12 assists, habang 16 ang nagmula kay Greivis Vasquez at 15 ang kay Lou Williams.

Nagkaroon din ng double-double si Andre Drummond sa ikaanim na sunod na road win ng Detroit at nagtapos na may 10 puntos at 14 rebounds. Si Amir Johnson ay mayroong 12 puntos at 10 rebounds para sa Toronto, habang 12 puntos naman kay Terrence Ross.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nai-convert ni Lowry ang isang layup at sinundan ito ng isang pares ng free throw upang ilagay ang Toronto sa 104-100 sa huling 3:39. Ngunit dalawang free throws at isang 3-pointer ni Jennings ang nagbigay sa Detroit ng 105-104 abante.

Muling ibinigay ni Valanciunas ang kalamangan sa Toronto sa pagkuha sa mintis ni Johnson, ngunit ang back-to-back jump shots ni Jerebko ang nagbigay sa Detroit ng 109-106 kalamangan sa nalalabing 1:29.

Lumamang ang Pistons sa 112-108 sa likod ng 3s ni Meeks sa huling 53 segundo, ngunit sinagot ito ni Lowry ng isa ring 3s upang tapyasin ang depisito sa isa. Sina Kentavious Caldwell-Pope at Lowry ay nagmintis sa kanilang pagtatangka bago na-foul si Caldwell-Pope sa natitirang 6 segundo. Naipasok ni Caldwell-Pope ang dalawang free throw at naagaw ni Jenning ang bola mula kay Lowry sa gitna ng court upang tapusin ang laro.

Resulta ng ibang laro:

Boston 108, New Orleans 100

Houston 113, Brooklyn 99

Orlando 121, Chicago 114