Enero 14, 1875 nang isilang ang tumanggap ng Nobel Peace Prize, philosopher at concert organist na si Albert Schweitzer sa Upper- Alsace, Germany (ngayon

ay Haut-Rhin sa France).

Philosophy at theology ang kinuhang kurso ni Schweitzer sa mga unibersidad sa Paris, Berlin at Strasbourg. Taong 1905 nang simulan niyang mag-aral ng medisina at nangarap na maglingkod bilang misyonero sa Africa. Nang magtapos siya mula sa medical school noong 1913, nakapaglathala siya ng iba’t ibang libro.

Noong World War I, ikinulong ang mga German-born Schweitzer sa isang French internment camp.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kalaunan ay pinaunlad ni Schweitzer ang pilosopiya tungkol sa “reverence for life,” na naghimok sa mga tao na magbigay respeto at pagtibayin ang personal at ispirituwal na ugnayan sa iba’t ibang uri ng buhay.

Pinarangalan siya sa pagpapagaling sa ilang may leprosy at isang African sleeping sickness sa kanyang ospital sa Lambarene (ngayon ay nasa Gabon), at noong 1952 ay tinanggap niya ang Nobel Peace Prize. Ginugol niya ang napanalunang $33,000 sa pagpapatayo ng leprosarium sa Lambarene.