SA ikaapat na pagkakataon, matatala sa kasaysayan ng Pilipinas na muling dalawin ng papa. Magaganap ito sa Enero 15-19. Ang bibisita ay ang ika-266 na papa sa Roma na si Pope Francis. Bago siya nahalal sa papal conclave noong Marso 13, 2013, kilala siya sa tawag na Cardinal Jorge Mario S. Bergoglio, SJ. Pinili niyang pangalan ang “Francis” sa karangalan ni Saint Francis of Assisi na kilala sa pagmamahal sa kalikasan, sa mga dukha, at sa kapayapaan. Bukod dito, si Pope Francis ang unang Jesuit Pope at unang papa na mula sa America. Bilang bagong Papa, ang unang ginawa ni Pope Francis ay binendisyunan ang daan libong pilgrim na nagtipon sa St. Peter’s Square at hiniling na ipagdasal si Pope Emeritus Benedict XVI at siya sa pamumuno sa Roman Catholic Church.

Masasabing naiiba si Pope Francis sa mga nauna sa kanyang papa. Sa kabila na kilala siya sa kababaang-loob, mapagmalasakit, at pagiging simple, nagsasalita at kumikilos sa hindi inaasahang paraan. Isa sa hindi pinaka-inaasahan ay ang pagbatikos niya sa burukrasya ng Vatican na bahagi ng kanyang Christmas speech sa mga kardinal, obipo at pari. Masasalamin sa mga salita ni Pope Francis ang kanyang pagsisikap na tugunan ang katiwalian at maling pangangasiwa sa burukrasya. Walong kardinal ang pinangalanan ni Pope Francis mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig upang payuhan siya sa pagbabago ng Curia (sentro ng gobyerno ng Vatican). Hindi rin nakaligtas ang Islamic State extremists nang kondenahin niya ang brutal na pagpapahirap sa mga Kristiyano sa Iraq. Sa pagdalaw ni Pope Francis, batikusin kaya niya ang nakahihiyang katiwalian sa pamahalaan?

Bilang paghahanda sa kaayusan sa pagdalaw ni Pope Francis, may 40,000 mga sundalo at pulis ang ikakalat para sa kanyang kaligatasan. Ang tema ng pagdalaw ni Pope Francis ay “Mercy and Compassion” o Awa at Malasakit. Ang kanyang sasakyan ay isang bukas at hindi bullet proof na jeepney popemobile. At isa sa pangunahing layunin ng pastoral visit ni Pope Francis ay upang makiramay sa mga biktima ng bagyong “Yolanda”. Bukod sa kanyang Misa sa Tacloban City sa Enero 17 ay babasbasan din ni Pope Francis sa Palo, Leyte ang Pope Francis Center for Orphans and Elderly.

Nakatakda siyang magmisa sa Enero 16 sa Manila Cathedral na ipinahayag na Minor Basilica ni Saint Pope John Paul II. Dadaluhan ng libong obispo, pari, madre at mga religious lay leader. Latin ang misa ni Pope Francis sa Manila Cathedral
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras