ANTIPOLO CITY - Isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nabiktima ng Akyat-Bahay gang sa Barangay Sta. Cruz sa Antipolo City, Rizal at natangayan ng cash at mga mamahaling gadget na nagkakahalaga ng mahigit P80,000, madaling araw nitong Sabado.

Ayon sa report ni Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo City Police, kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang biktima ay nakilalang si Lt. Col. Noel Gaurano, 53, may asawa, nakadestino sa AFP Medical Center at nakatira sa Lot 2, Block 9, 2nd street, Cavaliers Village, Bgy. Sta. Cruz.

Hindi pa nakikilala ng pulisya ang mga suspek.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jojo Angeles, natangay ng mga suspek ang P7,000 cash, isang Samsung S4 mini-cellular phone (P15,000), Lenovo cell phone (P12,000), LG cell phone (P7,000), Lenovo tablet computer (P6,000), dalawang iPod (P25,000), isang lumang Toshiba laptop computer at P14,000 halaga ng wristwatch.
National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin