Jennylyn Mercado

USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang performance ni Jennylyn Mercado sa pelikulang English Only, Please na nagkaloob sa kanya ang tropeo bilang Best Actress sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Marami ang pumuri sa acting ng unang Starstruck Female Survivor dahil grabe raw talaga ang mga “hugot” na linya niya sa pelíkula kaya marami ang relate na relate.

Ngayong Linggo, samahan si Jessica Soho na kumustahin ang Kapuso homegrown artist na si Jen sa isang espesyal na one-on-one interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Mapapanood din ngayong gabi ang mga putaheng gawa sa karne ng tupa, lalo pa nga’t Year of the Wooden Sheep ngayong taon. Saan ba matatagpuan ang pinakamasasarap na kebab sa bansa? At tunghayan ang mga lamb dish na pwedeng-pwede rin palang lutuin -- Pinoy style!

Samantala, isang batikang feng shui expert ang nagsabi na magiging masagana, masuwerte at taon ng mga oportunidad para sa maraming Pilipino ang 2015. Pero para sa mga mapamahiin, ano nga ba ang diumano’y mga pampabuwenas sa taong ito?

Tampok din sa KMJS ang bagong Internet sensations tulad nina Lyle na pinahanga ang lahat sa rendition niya ng Bang Bang at Blaine ng Davao City na kilala naman sa kanyang cover ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Pag-uusapan din kung gaano katotoo na maaring yumaman sa networking at ang hottest trends ngayon 2015 pagdating sa pagpapaganda, pagpapasexy, at gadgets.

Panoorin ang lahat ng ito ngayong gabi sa multi-awarded news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho, 7:45 PM, sa GMA-7.