Bukod sa seremonya bago ang prusisyon, mayroon ding ilang pagbabago sa ruta ng Traslacion ngayong Biyernes.

Sinabi ni Fr. Clemente Ignacio, rector ng Quiapo Church, na sa halip na dumaan sa Escolta Street, daraan ang prusisyon sa Dasmariñas Street patungong Sta. Cruz Church sa Maynila.

“Base sa paglalarawan ng city administrator ng Manila, marupok na ang nasunog na gusali at posibleng may magbagsakang debris mula sa sirang istruktura,” ayon kay Ignacio.

Matapos magsagawa ng ocular inspection, sinabi ng pari na mas mainam na dumaan na lang ang Traslacion sa Dasmariñas Street na kalinya rin ng Escolta para sa mga makikibahagi sa taunang okasyon.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Matatandaan na nasunog nitong Miyerkules ang dating gusali ng City College of Manila kaya agad na ikinonsidera ng pamahalaang lungsod na ilihis sa lugar ang prusisyon.