New York (AFP)- Lumapit si Stephen Curry, pinag-init ang Golden State Warriors sa top record sa NBA, sa kalamangan ni LeBron James sa fan balloting para sa susunod na NBA All-Star Game sa Pebrero.

Sa updated results na ipinalabas kahapon ng liga, lumalabas na ang four-time NBA Most Valuable Player na si James, pinagpahinga sanhi ng back at knee injuries sa nakalipas na dalawang linggo, ay may kabuuang boto na 971,299 kumpara sa pumapangalawang si Curry na mayroong 958,014, tinapyas ang pagka-iwan sa 13,285 matapos kalamangan ni james na 20,324 may isang linggo na ang nakalipas.

Ang botohan ay magtatapos sa Enero 19 kung saan ay ihahayag ang resulta makalipas ang tatlong araw, na siyang magpapahayag sa opening lineups para sa Eastern at Western conference squads sa 64th NBA All-Star Game sa Pebrero 15 na lalaruin sa Madison Square Garden sa New York.

Pinangunahan nina James, Chicago's Pau Gasol (527,582) at New York's Carmelo Anthony (456,186) ang East frontcourt voting, kasama si Miami's Chris Bosh na nasa ikaapat na mayroong mahigit sa 100,000 votes na pagka-iwan kay Anthony.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Pagmamay-ari naman ni Washington's John Wall (564,977) at Miami's Dwyane Wade(507,326) ang East backcourt spots kasama si Toronto's Kyle Lowry sa ikatlo, napag-iwanan din ng mahigit sa 100,000 boto sa likuran ng starting spot.

Sa West, makakasama ni Curry sa backcourt si Los Angeles Lakers star Kobe Bryant (862,568) at NBA scoring leader na si James Harden ng Houston na mayroong 690,843.

Ang West forward line ay kinapapalooban ni New Orleans Pelicans playmaker Anthony Davis (922,381), Los Angeles Clippers star Blake Griffin (490,786) at Spanish big man Marc Gasol (476,660) ng Memphis. Si San Antonio's Tim Duncan ang nasa ikaapat, may mahigit na 100,000 botong pagka-iwan kay Gasol.