PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Dahil sa sobrang kalasingan ay hindi alam ng isang lalaki na mapapatay niya ang kanyang 24-anyos na kaibigan na pinaghahataw niya ng itak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Sitio Tablang, Barangay Atate ng lungsod na ito.

Sa ulat ng Palayan City Police sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Crizaldo 0. Nieves, kinilala ang biktima na si Jonathan Jimenez y Dela Paz, 23, binata, ng nasabing lugar habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Armando Portana y Peria, 49, ng Bgy. Pantoc, Aliaga, Nueva Ecija.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Roan A. Salupacio, masayang nag-iinuman ang dalawa hanggang nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaga ni Portana kay Jimenez.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20