Patay ang 55-anyos na pangulo ng isang tricycle and operator and drivers association (TODA) matapos pagbabarilin ng kanyang pasahero habang namamasada sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Eugene Jacinto, presidente ng Asuncion Sucor Parola Tondo Tricycle Operators-Drivers Association.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nangyari ang insidente dakong 7:45 ng umaga sa Gate 1 ng Parola Compound.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang tumakas na suspek na nakasuot ng itim na jacket, itim na bull cap at armado ng .45 caliber pistol.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nauna rito, namamasada ang biktima nang sumakay ang dalawang suspek ngunit makalipas ang ilang minuto ay biglang nagbunot ng baril ang mga salarin at tatlong ulit na binaril ang biktima.

Inaalam na ng mga awtoridad ang ulat na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang pagpatay.