Mga laro ngayon (Fil-OIl Flying V Arena):

12pm -- Arellano vs. San Sebastian (w)

2pm -- St. Benilde vs. Perpetual (w)

4pm -- Arellano vs. EAC (m)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

6pm -- Perpetual vs. St. Benilde (m)

Umaatikabong salpukan ang tiyak na matutunghayan ngayong hapon sa pagsisimula ng single round robin semifinals ng Season 90 volleyball tournament ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) na gaganapin sa Fil-OIl Flyng V Arena sa San Juan City.

Naghahangad ng kanilang unang titulo sa liga, sisimulan ng elimination topnotcher Arellano University ang kanilang kampanya sa semis sa pagsagupa nila sa multi-titled San Sebastian College sa unang laban para sa women`s division ganap na ika-12 ng tanghali.

Susundan naman ito ng tapatan ng nagtapos na No. 2 at No. 3 teams sa eliminations na College of St. Benilde Lady Blazers at defending champion University of Perpetual Help sa ika-2 ng hapon.

Pagkatapos nito ay magsisimula na rin ang semifinal round sa men`s division ganap na ika-4 ng hapon sa pagtutuos ng Arellano University at ng nanguna sa eliminations na Emilio Aguinaldo College.

Magtatapat naman sa tampok na laban ganap na ika-6 ng gabi ang deffending champion Perpetual Help Altas at ang no.2 team St.Benilde Blazers.

Gaya ng kanilang nakaraang pamamayagpag sa elimination round, sasandigan ng Lady Chiefs sina CJ Rosario at Dana Henson habang inaasahan namang mamumuno para sa Lady Stags na hangad na makabawi sa kabiguang nalasap sa kamay ng Lady Chiefs sa eliminations ang top hitter nilang si GRetchel Soltones.

Batay sa format, magkakaroon ng single round robin semifinals kung saan ang dalawang mangungunang teams ang siyang uusad at magtutuos sa finals.