Ipinasisiyasat ng isang mambabatas mula sa Central Luzon ang petisyon ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) para sa 15 porsiyentong average increase sa toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ayon kay Bulacan Rep. Gavini Pancho, malaki ang magiging epekto nito sa presyo ng mga produkto na dumaraan sa NLEX, gaya ng bigas, karne at iba pa.
Aniya, sa pamamagitan ng Toll Regulatory Board ay sinusuportahan ng gobyerno ang pagtataas ng toll fee pero dapat na maging makatwiran ito; dapat na sundin ang mga prosesong itinakda ng batas, gaya ng pagsasagawa ng mga public hearing at consultation.