BANJUL, Gambia (AFP)— Ilan dosenang militar at sibilyan ang inaresto at making bulto ng mga armas at pampasabog ang natagpuan matapos ang sinasabing tangkang kudeta sa The Gambia, sinabi ng isang intelligence source noong Huwebes.
Ang mga suspek ay inimbestigahan at idinetine sa apat na “villa” sa Banjul, ang kabiserang maliit na bansang ito sa west Africa, sinabi ng isang source na malapit sa Gambia’s National Intelligence Agency (NIA).
Isang grupo ng armadong kalalakihan sa pamumuno ng isang tumiwalag na army ang umatake sa presidential palace bago ang madaling araw, ngunit nasupil ng puwersang tapat sa 20-taon nang lider ng Gambia na si Yahya Jammeh.