Mismong si dating world heavyweight champion Lennox Lewis  ang humiling sa magkaribal na network na HBO at Showtime na magkasundo dahil itinuturing niyang “kabaliwan” kung hindi matutuloy ang sagupaan nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao.

Inabot din ng kung ilang taon ang negosasyon ng laban nila noon ni Mike Tyson pero nang magkasundo ang HBO at Showtime noong 2002 ay ito ang naging pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boksing at tumabo ng halos dalawang milyong hits sa pay-per-viewing (PPV).

Halos nasa parehong sitwasyon sina Mayweather at Pacquiao at kahit kapwa may edad na ay inaasahang wawasakin ng dalawang boksingero ang lahat ng record sa boksing lalo na sa PPV at gate receipts.

"There's a few fights I want to see in 2015 but Mayweather-Pacquiao is still at top of my list. Stop the madness and make it happen,” sabi ni Lewis sa BoxingScene.com.  “If we could make Lewis-Tyson happen with HBO and Showtime, they can get it together for Mayweather-Pacquiao and make history again.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“People say Lewis-Tyson was years too late. I agree but it didn't stop it from being highest grossing fight in history at the time," dagdag ni Lewis na pinatulog sa 8th round si Tyson sa sagupaang ginanap sa Memphis, Tennessee.