Marian-Dingdong-copy-513x500

HUMIHINGI pa rin ng updates ang fans ng mga bagong kasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, lalo na iyong mga nasa ibang bansa at nababasa naman nila ang patuloy na mga balita sa online editions ng mga diyaryo.

Ang latest din naming natanggap, bukod sa nag-trending ang kasal at nag-number one worldwide sa Twitter, na-feature pa ito sa ABC News USA, particularly ang 12-feet high wedding cake na gift ng Goldilocks na ini-endorse ni Dingdong, at itinatanong kung iyon na ang pinakamataas na cake in the world. Ang decorated cake ay five layers at may special lighting effects kaya ang ganda-gandang tingnan. Sabi ng mga nakakita, kahit iyong pinakamalaking layer lang ang totoo, kayang pakainin ang isang barangay.

Lumabas na rin ang wedding video courtesy ng Mayads Studio, may voice over ng umiiyak na si Marian at ang sabi niya, “Ito na ang sagot sa aking dasal, na siya ang makakasama ko habang buhay.” May sinabi rin si Dingdong na: “Today I found the reason why I was born. And that is to love and to love greatly... I pray to the very God who put us together that you and I should never part in this lifetime or the next.” Ipinakita rin sa video ang special gift ni Marian sa kanyang husband, isang Rolex watch.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Nakatanggap na kami ng report habang sinusulat namin ito na nasa Discovery Shores na sa Boracay sina Dingdong at Marian, kasama ang Papa Fran nila.  Mag-i-stay sila roon hanggang January 4. At kapag nakabalik na sa Madrid, Spain ang kanilang ama, saka naman sila aalis for their European honeymoon na ang last stop ay sa Madrid dahil gustong ipakilala ni Papa Fran si Dingdong sa kanilang relatives doon.